Sunday, December 26, 2010

this one is for you

1. alam ko pinadala ni Lord para ako ay magising sa katotohanan, at lumakad sa tamang daan

2. pasensya kung minsan ay sumusobra ako sa biro at hindi ko na papansin na ikaw ay nasasaktan, ako ay masaya na ikaw ay aking naging kaibigan

3. maraming bagay man tayo na di mapagkasunduan, alam ko na iyon ay trabaho lamang, pagkatapos ng lahat tayo mananatiling matalik na magkaibigan

4. pinasasaya mo ang araw ko, sa mga hirit mo na kahit mabigat ang loob ko ay napapagaan mo,

5. binago mo ang pananaw ko sa mga katulad nyo, dahil dati pag may nagsabi saakin na gusto nila ako, talagang lumalayo ako, pero sayo pinakita mo sakin na harmless ka, hahah

6. salamat sa mga panahon na ikaw ay sumasama sa amin at nagdadagdag ng saya, salamat dahil kahit ngayong taon ka palang namin naksama ay naging bukas ka na sa amin

7. matagal na tayong magkakilala pero ngayong taon lang tayo talagang nagkasama at nagkadaupang palad, salamat sa pagsama saakin sa panahong alam mo na hindi ako ok

8. salamat sa inyo na natuto akong maging responsable kahit di pa ganon katodo, salamat kasi dahil sa inyo nakilala ko pa ang sarili ko at nakita kung ano pa ang mga kaya kong gawin na ngayon ko lang nagawa

9. salamat sa inyo, kayo ang pangalawa kong pamilya sa eskwelahan kahit na hindi nyo ako myembro alam ko na magkakapatid tayo

10. salamat dahil hinayaan mo akong mahalin ka, pero ako nadin ang nag pasya na huminto at dumistansya, sana ay maging masaya ka sa lahat ng mga desisyon na gagawin mo sa iyong buhay, nawa ay guminhawa na ang iyong pakiramdam, 

11. nagsimula tayo magkatrabaho ng masaya at tila walang problema, ngunit bago matapos ang taon nakita ko ang iyong tunay na kulay, sayang ang nabigo ako sa pag kakakilala ko sayo

12. salamt at ikaw ang naging susi sa aking tagumpay, pero hanggang doon nalang iyon, iba kadin pala

13. salamat sa iyong kakulitan at mapala ngiting labi, pasensya ka na kung ikaw ang madalas kong batuhin ng aking pang aasar

14. ngayon ay marami ka ng natututunan sa akin, hahah, sana ay mahawaan nga kita ng aking pagiging positibo,

15. 9 na taon na tayong magkasama at malapit ng mag 10, salamat at hangang ngayon ay buo parin ang ating samahan at kulitan, salamat dahil hindi tayo nagkkalimutan, masya ako at nandyan ka,

16. tulad ni 15 masayang masaya ako at ikaw ay nagbalik, hahah, di ka man namin madalas makasam, nagpapasalamat ako at ngayon bago matapos ang taon ay bumalik ang ating samahan, di ko alam kung saan pa tutungo ito o aangat ang lebel ng ating pagkakaibigan, hahah

17. matgal na kitang hinihintay, matagal na akong sayo ay sumusubaybay, ngayon ang landas natin ay muli na namang nagtagpo, sa sandaling pinagsamahan nating nuong tayo ay bata pa, un ang aking pinanghawakan, masaya ako dahil alam ko na sa panibagong taon na parating, sanay ikaw ay aking makapiling

No comments:

Post a Comment