Ang pinaka una kong trail run at ang pinaka malayong tinakbo ko sa tanang buhay ko!
Nag bigay ng promo ang Microtel Baguio na for the first 20 na mag pa book ay free race kit sa kahit anong distance. Almost 3000 lang per night sa hotel so malaking tipid na at para mas malaki ang matipid nag 50Km ako na ang registration fee ay 3500 at dahil sa pagtitipid malaking hirap ang kapalit, hahah!
Pinaghandaan ko naman ang takbo ko, bumili ako ng mga gagamitin ko sa trail pero dahil first time di ko alam kung anu ang importante. Kulang pa pala ang dala ko, dahil wala akong trekking pole na napaka laking tulong sa isang trail runner, ang GLOVES ang naging kakampi ko sa pag kapit sa mga halaman at bato sa pag akyat at pag baba. LEASON LEARNED! mas maganda ang de battery na ilaw kaysa sa mga chinacharge dahil ang battery napapalitan sa bundok walang saksakan! hahah.
Kami na ang huling umalis sa starting line dahil LATE kami! hahah, nagpa check pa kami ng gamit sa organizers para payagan mag proceed sa race, Thank God at naka abot pa kami sa ibang mga nauna na.
Sobrang ganda ng view sa daan na hindi namin maiwasan na mag picture (first time eh) at un din ang nagbigay ng excitement samin to move forward para makita pa ang iba pang kabundukan na aakyatin. Kahit na nasa Baguio kami ay di padin kami naka iwas sa araw! Mainit parang Manila at manipis ang hangin na nakakadagdag sa hirap. Twice din akong nadulas, nalaglag, nahulog ang dalawang paa sa ilog at nalubog sa putik na nagpa dulas ng aking sapatos.
Narating ko ang 21Km around 12pm sakto nakita ko ang dalawa sa 4 kong kasama na umakyat (Jericho Jusay and Marvin Maquirang, left to right) at may naghihintay na tanghalian mula sa nagmagandang loob at nagpakain sa mga runners. Nakapagpa stretch nadin ako sa Aid Station. Mula dito 4Km nalang at Uurn na!
Ito na ang pinaka mahabang 4Km na tinakbo ko! mula simula ang sabi ng nakaka salubong ko eh "malapit na" "tyaga lang" pero grabe UP-HELL talga! at puro bato sa daan samahan pa ng mainit na araw! last 100meters na lang na pag sa road eh seconds lang tinatakbo pero dito parang kinuha namin ng 30 minutes para lang makakuha ng orange na goma! at makita ang tower ng ABS CBN!
3pm na ko nag simulang bumaba at 29km nadin ang natakbo ko, at start 5 kami na sabay sabay bumaba pero pinili ko na mauna dahil ayaw ko abutan ng dilim sa bundok, halos 2 oras din ako na nag iisa at walang ginawa kundi tumakbo lumakad uminom at magdasal. Sawakas nakakita ako ng 3 pang runners (Jay, Kat, Soleil) at sabay sabay namin naabot ang 2nd to the last aid station ng may araw pa. Mula sa Aid Station dumaan pa ko sa mga kbahayan na may maliliit na eskenita at iba ibang sukat ng baitang ng hagdanan at 2km pa to the last station.
Pagod, nanginginig na binti, baho ng katawan at maalat na pawis na tumutulo sa mata ang tiniis ko. Last 2 hrs para sa cut off na 10pm ng makarating ako sa 44km Aid station at sabi na kailngan mag sindi ng ilaw pag nasa kalsada na. narating ko ang run way ng Loakan Airport at nakakaiyak man pero kailngan ko ng tumigil kahit kayang kaya ko pa dahil wala na akong ilaw at ang blinker ko ay nalaglag na sa bundok. May ksama ko na dalawa pang runner na parehong injured, paa at tuhod. Isinakay kami ng mga pulis na may dalang F150 pick up, dahil malakas pa ko kinaya ko pang akyatin at sumakay sa likod, napaka lamig na ng hangin, nakatingin nalang ako sa malayo para mawala ang panghihinayang. Ibinaba ako sa Camp John Hay na finish line din at nakita ko ang mga nakasama ko sa trail na mga nakatapos. SAYANG! ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko, pinilit ngumiti sa harap ng camera.
Pero napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko! at hindi ako papayag na di ko uulitn to nxt year at talgang paghahandaan ko na ng todo todo, napaka saya ng experience. ito ang masasabi kong mahirap na masarap, masakit na pinipilit at nakakapagod na masaya.
At ang pinka masarap at masayang pinag kaiba ng ROAD sa TRAIL ay sa road wala ka masyado nakikilala pero sa trail ang dami! at nag tutulungan kau pareho!
SALUDO ako sa lahat ng nakilahok sa TNF100 2013, Finisher man o DNF ang respeto ko ay nasa inyo!