habang akoy nakatingin sa malawak na kalupaan at palayan at ang hangin ay umiihip ng sobrang lamig aking napagtanto na ang taon ay lilipas nanaman, aking napag isip isip at akoy tumingin sa nakaraan at isang napakalaking tanong ang umukit sa aking utak, ano nga ba ang nagawa ko sa buong isang taon na nagdaan, ano ba ang mga pagsubok na aking nalagpasan at anong mga bagay ang nagturo sa akin na lumaban sa buhay. Ito ang mga tanong na ang sagot ko ay tanong din, ano nga ba? sa aking mag mumuni muni at pagninilay nilay, aking napag tanto na sa taong nakalipas madami akong nakasalamuha, mga taong ngayong taon ko lang nakilala at ang iba ay matagal ko ng kakilala pero ngayong taon lang nagkaroon ng partisipasyon sa aking pagkatao. Ngayon ko taon ay lalo ko pang nakilala ang aking sarili dahil narin sa mga tao na malalapit sa puso ko, tunay nga na ang taon na nagdaan ay tila isang gulong na paikot ikot, may panahon na masaya at may mga oras na kabaligtaran. Natuto ako na lumaban, dati ako ay tahimik lang at nagwawalang kibo kahit na ang nakikita ko ay di na kanais nais, lalo akong natutong magpahalaga sa ibang tao, lalo na sa mga taong malalpit sa aking puso at mga taong umaasa sa mga bagay na kaya kong gawin. Ngayong taon ay nawala ang takot ko sa komprontasyon, at natuklasan ko na ang isang problema ay malulutas sa mahinahong pag uusap. Sa taon na ito lubos lubos din ang natangap kong mga biyaya, umaapaw at talagang hindi ko sukat akalain na maipag kakaloob ito sa akin.
Saan nga ba hahantong ang storyang ito kundi sa pasasalamat, ako ay nag papasalamat sa mga taong nagbigay ng ngiti at sumama sa akin sa pag lakad sa taong nagdaan, sa mga taong nag bigay saakin ng inspirasyon at nagturo sa akin ng mga bagay na hindi ko matututunan sa apat na sulok ng silid aralan, at higit akong nagpapasalamat sa mga taong sumalungat sa akin, sa mga taong nagbigay sa akin ng galit at sama ng loob, salamat at dahil sa inyo ay lalo akong lumakas at tumapang. Nagpapasalamat din ako sa aking pamilya na hindi ako pinabayaan at iniwan, salamat sa suporta na ipinagkaloob nyo sa akin, sa lahat ng desisyon na aking ginawa akoy inyong tinulungan, at higit sa lahat akoy nag papasalamat sa ating may kapal na nag bukas saakin hindi lang ng bintana kundi pinto ng kalangitan, salamat sa umaapaw na biyaya, kahit na ako ay nagkakasala at maraming pagkukulang ay hindi mo parin ako binitawan.
ako ay humihimgi ng kapatawaran sa mga taong aking nasaktan, nakagalit, naka alitan at hindi nakaunawaan, ako ay tao lang, mahina, maramdamin, at maraming kakulangan,
No comments:
Post a Comment