Friday, November 26, 2010

Hunyango


Ang hunyango o hinyango (Ingleschameleon) ay isa sa mga higit na kilalang mga uri ng maliliit na mga butiking kabilang sa pamilyang Chamaeleonidae (mga iskwamata) na may kakayahang magbago ng kulay. -wikipedia

Base sa wikipedia ang mga hunyango ay isang uri ng butiki na kayang mag bago ng KULAY. Kung saan sila madikit, nagbabago ang kanilang kulay katulad ng kaluy na kanilang nadikitan. Ngunit, subalit, datapwat, mayroon bang taong butiki? kasi madami ang TAONG HUNYANGO mga tao na kung saan madikit andun ang kanilang malasakit at simpatiya.

Hindi natin mapipili ang mga taong bigla bigla nalang pumapasok sa ating buhay, may napadaan lang, yung iba ay kaibigan ng kabigan (common friend),  kasama sa eskwelahan o trabaho, at mga taong nakapaligid sayo.

Nitong mga nakaraang araw lamang aking napag tanto ang mga bagay bagay, mga bagay na marahil ay hindi ko napansin noong una palang. May mga tao akong nakilala na sa simula ay maayos naman ang pakikitungo, masaya pa sila kasama, pero pag lipas ng isang buwan ay unti unting nag babago ang kanilang mga galaw, marahil dahil tapos na ang aming mga ginagawa at hindi na ganoon kailangan ang isat isa, dati ay sila pa ang gumagawa ng paraan para mangamusta pero ngaun ay simpleng bati nlang na minsan ay wala pa. Nag kakaroon pa ng mga desisyon na hindi nya naman saklaw pero sya padin ang nangibabaw. Katanyagan ba ang gusto nya? OO! PWEDE! hindi ko lang alam kung ano ang gusto nyang patunayan. Nag iba na ang tingin ko sa kanya, akala ko dati sya ay matapang at kakampi ng lahat, ngunit may pagkakataon na nakita ko siya sa isang saradong pagpupulong kasama ng iba pang mga taong hunyango. Nang aking mapagtanto kung ano ang tinatakbo ng kanilang balitaktakan, aking napag isip isip na tama ang aking hinala. Pinag uusapan nila ang mga taong wala sa kanilang pulong at nag lalabas ng mga galit na kanilang nararamdaman. Para sa akin ay tama lamang na mag labas ka ng iyong sama ng loob pero hindi dapat sa mga taong wala namang kinalaman doon dahil hindi naman sila makakatulong sa sitwasyon at makadadagdag. Ang buong akala ko ay matapang siya sa puntong kaya nyang komprontahin ang taong kanyang kinasasamaan ng loob. Pero hindi, maling mali ako, kung akin silang pag mamasadan na nag tatrabaho pareho makikita mo na mukang ayos naman sila at walang alitan, may ngiti sa kanilang mga labi ngunit minsan ay mararamdaman mong hindi bukal sa kalooban. Ginawa ko ang blog na ito para mailabas ko ang aking saloobin, hindi ko alam marahil kung isa ba ako o sa aking mga kaibigan ang kanilang pinag uusapan kung kami ay wala sa kanilang harapan. Hindi ko sya kayang kausapin dahil hindi siya ganon kadaling kausapin lalo na at tungkol sa mga ganitong bagay, kaya i blinog ko nalang,. Alam ko na halos lahat naman tayo ay mga kakilala na ganito, mga TAONG HUNYANGO na kapag sayo nakadikit ay ikaw ang kakulay ngunit pag lumukso na sa iba, wala ka na, lagot ka na!


No comments:

Post a Comment